25

Dec 2, 2021 @ 14:53
By

P3M na shabu nasakote sa Pampanga

Tumambad sa mga awtoridad ng Bureau of Customs Port of Clark ang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Pampanga.

Batay sa ulat, isang maleta na naglalaman ng iligal na droga ang dumating nitong Martes.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap umano sila ng report na may isang bagahe ang paparating na naglalaman ng mga shabu mula South Africa.

Ininspeksyon at hinalughog ang maleta, doon na nakita ang 470 gramo ng shabu.

Idineklara pa umano ito bilang mga damit na padala ang laman.

Haharap naman sa kaukulang parusa ang tatanggap ng bagahe sa Bataan. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?