68
ABANTE nfa rice filipino
By

P3B budget ng NFA pinalipat ni Villar sa Land Bank

Aminado si Senadora Cynthia Villar na siya ang nagsulong na amiyendahan ang 2020 budget ng National Food Authority (NFA) at makakatulong aniya ito ng malaki para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pagdagsa ng mga imported na bigas sa bansa.

Ayon kay Villar, kailangan ang mas malaking pondo upang tulungan ang mga magsasaka na apektado sa paunang pagpapatupad ng Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law.

Dahil dito, inirekomenda ang paglilipat ng P3 billion mula NFA sa Land Bank of the Philippines.

“It is a given that there are difficulties encountered by farmers when the law took effect that is why we are looking for ways how to extend more assistance to them through bigger budget,” sabi ni Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food at sponsor ng panukalang budget ng Department of Agriculture.

Samantala, pinawi ni Villar ang pangambang makaaapekto ang ‘transferred funds’ sa palay procurement program ng naturang ahensiya.

“NFA will continue to buy palay from our farmers. Dapat nilang gawin ito para ang mga magsasaka, hindi na sila lalapit sa mga mapagsamantalang traders na babaratin lang ang palay nila,” paliwanag ng senadora.

Sa panukala ni Villar, ililipat ang P3 billion mula NFA sa Land Bank of the Philippines para sa 2020 upang makatulong sa mga magsasaka habang nag-a-adjust sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

“This fund will go to 600,000 farmers tilling farms of one hectare or less kaya sigurado tayo na ang assistance mapupunta talaga sakanila. Wala nang excuse para hindi makarating ang tulong ng gobyerno sakanila,” anang senadora.

Nauna nang sinermunan ni Villar sa mga pagdinig sa Senado sa implementasyon ng RA 11203 ang mga opisyal ng NFA sa pagkabigong bumili ng palay sa mga lokal na magsasaka.

Ilan sa mga palusot ng NFA ay ang umano’y kakulangan sa makinarya at mataas na moisture content ng palay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?