10

Sep 30, 2020 @ 13:28
By

P388K inipit sa magazine nasabat

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang 8,000 US dollars (P388,000) sa mga pahina ng isang cooking magazine sa warehouse ng FedEx nitong Biyernes.

Ayon sa BOC, dineklarang ‘correspondence’ ang pera mula New Jersey, USA para mailusot sa bansa, pero nabigo matapos itong matuklasan sa pamamagitan ng x-ray scan at physical examination sa nasabing padala.

Hinahanda na ng Customs ang forfeiture para sa libong salapi dahil sa paglabag sa Sections 1400 at 1113 ng R.A. No. 10863 na may kaugnayan sa New Central Bank Act at BSP Foreign Exchange Transaction Manual.

Samantala, nagbabala si District Collector Carmelita Talusan laban sa iba pang magtatangka na mag-smuggle ng pera sa Pilipinas.

“[T]he BSP Manual of Foreign Exchange Transaction simply require the faithful declaration and accomplishment of Foreign Currency Declaration Forms for importation and exportation of foreign currency in excess of USD10,000 or its equivalent,” aniya pa sa pahayag ng BOC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?