107
P36M donasyon para sa mga Marawi victim, P10K pa lang nagamit - COA
May 30, 2019 @ 18:46
By

P36M donasyon para sa mga Marawi victim, P10K pa lang nagamit – COA

Kinalampag ng Commission on Audit (COA) ang Office of Civil Defense (OCD) dahil P10,000 pa lang ang nagamit ng mga ito sa P36.92 milyong donasyon para sa mga biktima ng Marawi City siege noong 2017.

Ginamit umano ang P10,000 para tulungan ang pamilya ng isang namatay na biktima.

“Clearly, the donations were not utilized to provide for the much needed support of the Marawi siege victims,” saad sa 2018 audit report.

Mula umano ang milyong donasyon sa Embassy of India at Embassy of Thailand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?