75

Nov 1, 2017 @ 11:59

P35B ibubuhos sa renewal energy – DTI

Magkakaroon ng karagdagang 560 megawatts na suplay ng kuryente ang Luzon matapos aprubahan ng Board of Investments ang may P35.4 bilyon halaga ng renewable energy projects.

Nabatid na aabot sa P35.4 bilyon ang halaga ng mga proyekto na isasagawa sa Nueva Ecija, Camarines Norte, Rizal at Batangas.

Ito ay kinabibilangan ng biomass power plant at wind power at inaasahan na makukumpleto hanggang 2020.

Sinabi ni Trade Usec. Ceferino Rodolfo matutugunan ng mga naturang proyekto ang pangangailangan sa enerhiya ng mga proyektong nakapaloob sa infrastructure buildup program ng administrasyong-Duterte hanggang taon 2022.

“Since the ongoing infrastructure program involves construction and modernization of airports, building of more roads, railroads and transport networks all over the country, demand for power continues to go up. In the long run, additional power is also needed to usher the growth of other industries as they undergo their own expansion and modernization,” sabi ni Rodolf

Base sa pagtataya ng Department of Energy nangangailangan ang bansa ng karagdagang 43,765 megawatts ng kuryente hanggang sa taon 2040. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?