53

By

P354M Ultra Lotto jackpot hindi pa nahagip – PCSO

Sharing is caring!

Posibleng ikaw na ang hinihintay para manalo ng P354,665,384 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 dahil wala pa ring nanalo sa huling bola nito noong Biyernes.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan, wala pang nakasapul sa winning combination na 38-35-37-15-56-45 kaya inaasahang papalo na sa P354 million ang jackpot nito sa susunod na bola sa Lunes.

Matatandaang ang unang malaking premyo ng Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng P331.9 million jackpot ay nadale na noong Pebrero 16, 2018 ng dalawang mananaya na taga-Calamba City sa Laguna at Bustos, Bulacan.

Samantala, wala ring nanalo sa higit P8-milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na may winning combination na 31-35-21-32-11-09.

Ang 6/58 Ultra Lotto game ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?