23
ABANTE federalism change Rolando Andaya Jr.
By

P35-B na kaltas sa pondo ng DOH, dapat ibalik – Andaya

Sharing is caring!

Hindi umano katanggap-tanggap ang napakalaking halaga na tinapyas sa pondo ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Ayon kay House majority leader Rolando Andaya Jr., tatamaan ang serbisyong-pangkalusugan ng gobyerno sa kaltas na P35 bilyon sa 2019 budget ng DOH. Mula sa kasalukuyang pondo na 109 bilyon, ginawa na lamang P74 bilyon ang budget ng ahensya para sa susunod na taon.

Kinansela ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH na naka-sentro sa pagsasaayos ng health facilities gaya ng mga ospital at barangay health stations makaraang mabalot ng kontrobersya dahil sa umano’y iregularidad sa implementasyon.

“Kung sinasabi ng both DOH and DBM na pause muna kami sa pag-implement ng HFEP kasi we’re suffering from budget indigestion at mahaba ang backlog, and most of these are infrastructure in nature, then we might buy their reasoning.. but how about other needs of the DOH such as medicine, equipment and other fast-moving expenditures? Baka ito ang pwedeng pamalit,” sabi ni Andaya.

“Puno ang mga hospital natin. Kulang sa gamot. Kulang ang laboratory equipment. Kulang ang beds. Hindi ba natin pwede gastusan ang mga ito ? There are also hospitals in need of building expansion. The health system needs an infusion of funds, not a cutback,” diin ng majority leader.

Dagdag pa ni Andaya, isa rin sa posibleng negatibong epekto ng pagtapyas sa DOH budget ang posibleng pagkawala ng trabaho ng mga medical professionals sa ilalim ng health deployment program kung saan nagpapadala ang gobyerno ng mga doctor, nurses, midwives at dentist sa mga liblib na lugar kung saan mataas ang insidente ng kahirapan.

“Ito naman dahil personnel in nature , di na kailangan ng bidding, tulad sa construction. Just renew their contracts. Kung kulang ng doctor, dagdagan natin , even for short-term contracts. Yung mga nurses , huwag silang i-endo,” ani Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?