29

Nov 21, 2021 @ 12:44
By

P34k hinihinalang shabu nasabat sa bu-bust operation sa Lucena

Nakuha ang hinihinalang shabu na nagkakahalagang P34,272 sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena nitong Sabado.

Ayon sa pahayag ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Reyes, nahuli ang notorious drug pusher matapos nito makipagtransaksyon sa undercover police sa buy-bust operation.

Kinilala ang suspek na si Daniel Siacor, 38, kasama sa listahan ng pulisya bilang isang tulak ng droga

Nagbenta umano ito ng halagang P500 ng hinihinalang ilegal na droga sa isang undercover police sa Barangay Dalahica bandang alas-4:42 ng hapon.

Nasabat sa suspek ang limang plastic sachet ng shabu.

Ang suspek umano ang supplier ng ilegal na droga sa mga mangingisda, trabahador sa pier, at ng mga ilang drug user sa lugar.

Kakasuhan si Siacor ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?