155
ABANTE-TNT-tesda-marawi
Jan 1, 2018 @ 17:49
By

P340M inilaan ng TESDA sa Marawi rehab

Para makatulong sa pagbangon ng mga Maranao matapos ang limang-buwang digmaan sa Marawi City, magpapatayo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng training schools sa lungsod.

Ayon kay TESDA Director Gen. Guiling Mamondiong, naglaan sila ng P340 milyon para na rin sa pag-aalok ng mga kursong makakatulong sa mga Maranao.

Una nang gumasta ng P50 milyon ang ahensiya para sa skills training ng 6,800 internally displaced persons (IDPs) sa Marawi City noong nakaraang taon.

Nangako si Mamondiong na paiigtingin pa nila ang pagtulong para na rin sa rehabilitasyon ng lungsod. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?