104

Dec 9, 2018 @ 11:25
By

P34 na bigas, mabibili na – DTI Sec. Lopez

Masayang ibinalita ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na nagmura na ang presyo ng bigas sa merkado kasunod ng naging krisis sa pangunahing pagkain ng mamamayang Pilipino.

Sa panayam sa dzBB, ibinahagi ni Lopez na mayroon ng mga P34 hanggang P39 kada kilo ng commercial rice sa ilang mga pamilihan sa bansa

“’Yan ang magandang balita ngayon na may P34 hanggang P39 na bigas,” pakli ni Lopez.

Dahil ito sa naging order na inaprubahan ng National Food Authority (NFA) na hindi na dadaan ang ilang mga nagbebenta ng bigas na mag-angkat ng hindi dumadaan sa mga trader.

“Dito sa programa natin na kapag sila ay nag-import, makakabenta sila ng diretso. In other words, ‘di na sila dadaan ng maraming traders. Makakabenta na sila ng murang bigas, ayon pa sa kalihim/

Ilan sa mga supermarket na magkakaroon o may mababang presyo na ng bigas ay ang Robinsons, Puregold at Gaisano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?