38

Jul 17, 2021 @ 16:04
By

P33M puslit na pera nasabat ng BOC

Umabot na sa mahigit P33 milyong halaga ng mga local at foreign currency ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa BOC, magmula 2020 ay P33,128,870.00 halaga ng iba’t ibang puslit na pera ang nasabat nila, batay sa July 14 report ng Intelligence Group-Customs Intelligence and Investigation Service.

Nanggaling ang mga nasabat na pera sa Malaysia, Singapore, Japan at US partikular na sa North Carolina, New Jersey, Tennessee, Colorado at California.

Nabisto ang mga ito sa bagahe ng mga pasahero o kaya’y kargamento na idineklarang mga dokumento, sulat, magazine at libro.

Sabi ng BOC, kailangang kumuha ang mga biyahero ng written authorization mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang makapaghatid ng local currency na higit sa P50,000.

Samanta, ang mga foreign currency naman na lagpas sa US$10,000 o mahigit P500,000 ay kailangang ideklara sa Bureau of Customs gamit ang Customs Baggage Declaration Form at Foreign Currency Declaration Form.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?