minimum-wage1
By

P320 wage hike petition, isinumite na ng labor group

Sharing is caring!

Ginawang pormal na ng isang malaking organisasyon ng mga manggagawa ang kanilang kahilingan para sa pagbibigay ng P320 across-the-board wage increase sa Metro Manila.

Isinumite na ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang isang petisyon sa Regional Wages and Productivity Board–National Capital Region para sa nais nilang umento sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.

Ang hinihinging taas-sahod ang inihirit din ni TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza sa kanyang inihaing panukala sa Mababang Kapulungan.

Ngunit nais ni Mendoza na ang naturang umento ay ibigay sa lahat ng minimum wage earners sa buong bansa.

Sa ngayon ang minimum wage sa Metro Manila ay P512.

Nauna namang sinabi ng mga negosyante na ang masyadong mataas na umento ay maaaring makasama sa ekonomiya dahil posible na may mga negosyo na magsara o magbawas ng trabahador at maaari ring iwasan na ang Pilipinas ng mga dayuhang mamumuhunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?