567

By

P31.8-M lotto jackpot, nadale ng taga-Valenzuela

Sharing is caring!

Nahagip ng taga-Valenzuela City ang P31.8-M jackpot ng Lotto 6/42 na binola Martes ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, masuwerte ang mananaya ng 6/42 dahil nahulaan niya ang 6-digit winning combination na 27-15-07-39-26-19 at nadaleng nag-iisa ang jackpot prize na P31,885,774.00.

Nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa SM mall sa McArthur Highway, sa Valenzuela City.

Umaabot naman sa 47 bettors ang nanalo ng limang numero ng 6-digit combination kung saan ay makakakuha ng P16,550.00 bawat isa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Samantala, inaasahang tataas sa P206 milyon ang Ultra Lotto 6/58 jackpot sa susunod na draw.

Ayon pa kay Balutan, walang nakakuha ng winning combination sa Ultra Lotto 6/58 na binola noong Martes na may 6-digit winning combination na 55-34-16-31-40-23 na umaabot sa P199,715,276.00 ang jackpot prize. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?