76

Sep 26, 2020 @ 17:43
By

P30K ayuda ng CHED, DOLE sa anak ng mga OFW

Nakatakdang pagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) ng P30,000 ang mga anak ng mga OFW na nasa kolehiyo na.

Magbebenepisyo sa programang “Tabang OFW” ang may 30,000 college student ng mga repatriated, displaced at deceased OFW, ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Ang CHED ay siyang maglalabas ng P1 billion fund sa DOLE para sa educational assistance program.

“We hope this will go a long way in helping our OFWs and their children in these most challenging times. By doing this, we also hope we can partly repay our modern-day heroes,” sabi ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,