36

Jan 12, 2022 @ 9:24
By

P30-M pekeng gamot nasabat ng Customs

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang mga pekeng gamot na nagkakahalaga ng P30 milyon sa Parañaque City kamakailan.

Batay sa ulat ng BOC, noong Enero 5 ay kanilang nakumpiska ang mga pekeng gamot sa dalawang imbakan sa 7434B at 7434C Highland St., Marcelo Green Village at 27 Pearl St., Severina Subdivision, Km 18, Brgy. Marcelo, sa nabanggit na lungsod.

Ang mga pekeng gamot ay may tatak na Biogesic, Neozep, Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Flanax, Alaxan FR, MX3 at iba pa.

Ayon sa BOC, mismong ang Unilab Pharmaceuticals at Food and Drug Administration (FDA) ang nagpatunay na peke ang mga naturang gamot.

Nakalagay umano ang mga ito sa mga karton na may tatak na Chinese.

Naaresto naman ang sinasabing may-ari ng mga kontrabando, na kinilalang si Adel Rajput, 32-anyos at isang Pakistani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?