67

Nov 24, 2017 @ 20:39
By

P30-B para sa Marawi rehab, kulang pa – Mayor Gandambra

Hindi umano sapat ang P30 bilyon na inilaan ng gobyerno para pondohan ang rehabilitasyon ng pagbangon ng Marawi City matapos dumanas ng matinding pinsala dahil sa naganap na krisis sa kamay ng mga Maute terror group.

Sinabi kahapon ni Marawi City Mayor Mahul Gandambra sa Bangon Marawi press briefing sa Malacanang na hindi magkakasya ang nabanggit na halaga para buuin muli ang Marawi City.

Batay aniya sa consolidated master plan na kanilang isinumite nitong nakalipas na linggo sa task Force Bangon Marawi, aabot sa P90 billion ang magagastos para sa isang bagong Marawi City.

Ipinaliwanag ni Mayor Gandambra na gagamitin ang nabanggit na halaga para sa re-building, reconstruction at pagbangon ng ekonomiya ng lungsod.

“Well, based doon sa estimate, in fact doon ho sa aming… the Master Plan — the Consolidated Master Plan that we submitted several weeks ago ay initially po ay meron ho tayong an amount of P90 billion. Kung aayusin po natin ang Marawi City ay hindi po natin — hindi lang ho ibabalik natin sa dati. But of course, we will make it better than it was before. Yun po ang ating gusto. And of course, no amount of money that can compensate doon ho sa nangyari sa Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?