18

Mar 13, 2020 @ 15:49
By

P3 rollback sa Phoenix Petroleum, kasado na

Nagbaba ng presyo ang Phoenix Petroleum ngayong Biyernes, March 13, 2020.

Batay sa report, nasa P3 kada litro ang ibabawas sa presyo ng diesel at gasolina ng Phoenix.

Ito’y alinsunod na rin sa bumababang demand sa gasolina at diesel sa international market na dulot ng coronavirus outbreak.

Epektibo ang nasabing pagbaba ng presyo nitong alas-12 ng tanghali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?