133
ABANTE-TNT-warehouse-sunog
Jun 20, 2018 @ 5:11
By

P3-M halaga ng mga handicrafts, nasunog sa Valenzuela

Nasa tatlong milyong pisong halaga ng handicrafts ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang industrial building sa Kalye Onse sa Gen. T de Leon sa Valenzuela City Martes ng gabi.

Nagsimula ang sunog 11:07 ng gabi sa tatlong palapag na pagawaan ng mga handicrafts na pag-aari ng isang Pamela Gonzales.

Ayon sa mga empleyado ng pagawaan, posibleng ang napabayaang blow torch ang sanhi ng sunog.

Ang gusali ay tinutuluyan din ng apat na pamilya ng mga nagtatrabaho sa pabrika ng handicraft.

Nananatiling nasa 2nd alarm ang sunog na patuloy na inaapula ng mga bumbero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?