22
Abante-TnT-Anti-Red-Tape-bill-ratipikado-na-sa-Kamara
By

P3.757T national budget aprub na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang P3.757-trillion 2019 national budget.

Sa botohan, 196 na mga kongresista ang pumabor at 8 ang tumutol sa House Bill 8169.

Sa halip na sa November 28 pa o sa susunod na Miyerkoles, napaaga ang pag-apruba sa General Appropriations Bill makaraang personal nang mag-text si Senate president Tito Sotto kay House majority leader Rolando Andaya.

“Over the weekend, the Senate President personally texted me requesting if we could pass the budget on third reading early this week. I told him that we will do our best and today, we will pass it on third reading,” sabi ni Andaya.

Para sa susunod na taon, ang sektor ng edukasyon pa rin ang may pinakamalaking alokasyon sa budget na may P659.3 billion.

Pangalawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH), P555.7 billion, sunod ang Department of the Interior and Local Government (DILG), P225.6 billion, ang Department of National Defense (DND), P183.4 billion, at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), P173.3 billion.

Kabilang rin sa top ten pagdating sa alokasyon ay ang Department of Health, Department of Transportation, Department of Agriculture, ang judiciary at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?