35

Oct 4, 2018 @ 11:01
By

P3.757-T 2019 budget aprub sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Pasado na sa 2nd reading ng Kamara ang panukalang P3.757-trillion national budget para sa susunod na taon.

Inaprubahan ng mga kongresista kagabi ang proposed 2019 budget matapos ang dalawang linggong deliberasyon sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.

Hybrid ang panukalang budget kung saan mayroong ipatutupad sa pamamamagitan ng cash-based budgeting at obligation-based.

Pinaglaanan ng pinakamalaking budget para sa susunod na taon ang sektor ng edukasyon, imprastraktura at ang sa interior department.

Halos lahat ng kagawaran ay natapyasan ng alokasyon maliban sa DILG at DND dahil sa dagdag-sahod ng mga pulis at sundalo.

Ang DepEd ang may pinakamalaking pondo na P659.3B, sunod ang DPWH (P555.7B) habang pangatlo ang DILG (P225.6B), ikaapat ang DND (P188.2B) at ikalima ang DSWD (P173.3B).

Kasama din sa top 10 na may pinakamalaking budget ang DOH (P141.4B), DOTR (P76.1B), Department of Agriculture (P49.8B) Judiciary (P37.3B) at ang ARMM (P32.3B).

Pinakamalaki namang realignment ay ang P51.7 billion na inilipat sa DepEd, DPWH, DOH at disaster management funds.

Inaasahang mapagtitibay ang 2019 budget bago ang recess ng sesyon ng Kongreso sa October 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?