60

P3.7-T 2018 national budget aprub na sa Senado

Sharing is caring!

Pasado na ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang P3.767-trillion national budget para sa taong 2018.

Lahat ng 16 na senador na sesyon ay bumoto pabor sa panukalang budget.

Pinasalamatan ni Senadora Loren Legarda, main sponsor ng panukala at chair ng finance committee, ang kanyang mga kasama sa kanilang suporta deliberasyon.

“This is a beautiful, great experience, even if I have to sacrifice my personal leisure time, 6 months in a year starting August to December. I would not change the experience,” sabi ni Legarda .

Giit naman ni Senadora Risa Hontiveros, pinaboran niya ang bersiyon ng Senado ng budget dahil ianlis ang alokasyon para sa war on drugs ng Philippine National Police (PNP).

Magkakaroon ng bicameral conference committee ang dalawang kapulungan ng Kongreso para ayusin ang kani-kanilang bersiyon ng panukala.

Isasagawa ang bicam bukas, Huwebes sa Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?