6

Sep 21, 2020 @ 23:07
By

P3.5M pampasabog nasamsam sa Samar

Nasa P3.5 milyong halaga ng pampasabog ang narekober ng kapulisan sa isang barangay sa San Antonio island sa Northern Samar.

Ayon kay Police Supt. Arnel Apud, provincial director sa Northern Samar, ang mga nakumpiskang item ay pangunahing mga sangkap sa paggawa ng dinamita na ginagamit sa iligal na pangingisda.

Kabilang sa nasamsam ang 34 kilo ng Tri-Nitro Toluen; 25,000 piraso ng blasting cap at 3.5 metro ng detonating cord na tinatayang nasa P3.5 milyon.

“What is more significant is the fact that we were able to seize P3.5 million worth of explosives that could be possibly used in destroying our marine ecosystem. Our investigation will continue, and we ensure that those found liable will face appropriate charges,” pahayag ni Apud.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?