By

P3.5-B na ibinayad sa Dengvaxia vaccine, bawiin – Pimentel

Sharing is caring!

Pumalag si Senate President Koko Pimentel III sa paniningil ng Department of Health (DOH) sa kumpanyang Sanofi Pasteur ng P1.4 bilyon para sa hindi nagamit na bakuna kontra-dengue na Dengvaxia.

Ayon kay Pimentel, hindi lang ang halaga ng napatambak nang bakuna ang dapat singil sa Sanofi.

Dapat aniyang ipasauli sa kumpanya ang buong P3.5 bilyon na ibinayad dito para sa bakunang nakaimbak at mga bakunang naiturok na dahil depektibo ang mga ito at diumanoy ay naglalagay sa panganib sa buhay ng mga naturukan.

“All the vaccines were defective from the very beginning. Therefore, under our laws, we should demand the whole P3.5 billion we paid them and not just part of it,” diin ni Pimentel.

Sa umiiral na Civil Code, sinabi ni Pimentel na obligadong palitan ang produkto o isauli ang bayad kapag depektibo ang produkto. Idiniin na hindi na maisasauli ang bakuna.

Sakali namang ibalik ng Sanofi ang natanggap nitong bayad mula sa gobyerno, binigyang-diin ng senador na hindi pa rin ligtas sa kaso ang pharmaceutical company dahil inilagay sa panganib ang buhay ng lahat ng 830,000 naturukan ng bakuna nito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?