18

Apr 22, 2021 @ 14:44
By

P3.4M shabu nasamsam sa Angeles City

Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat habang dalawang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Angeles City, Pampanga kahapon, Abril 21.

Ayon sa ulat, naaresto sa operasyon sina Yasser Ibrahin at John Lagman, kapwa nasa 30s ang edad.

Sinasabing ang dalawang suspek ang mga pangunahing supplier ng shabu sa Angeles City.

Nakakulong na sina Ibrahin at Lagman sa PDEA regional jail sa San Fernando at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?