29

Jun 24, 2020 @ 19:48
By

P3.4M shabu nasabat sa buy-bust sa Quiapo

Arestado ang dalawang suspek matapos makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P3.4 milyon sa isang buy-bust operation sa Quiapo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Casmir Caris, 36-anyos, at Montiyah Madaya, 38, kapwa residente ng Quiapo.

Isinagawa ng mga anti-illegal drug operative ng Quezon City Police District at Manila Police District noong Martes sa Norzagaray St., Brgy. 384.

Narekober ng mga awtoridad ang may P3.4 milyong halaga ng shabu, timbangan, cellphone at buy-bust money na P26,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?