62
shabu-2
Oct 25, 2019 @ 21:26
By

P3.4M shabu buking sa diaper

Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapaloob sa diaper sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay PDEA QC District Officer Mary Arguelles, ang suspek na nadakip ay nakilalang si Arshamir Manambanid Ado, 26, may walong buwang gulang na anak, at naninirahan sa Maharlika Village ng nabanggit na lungsod.

Dakong ala-1:30 ng hapon (October 24) nang magkasa ng buy-bust sa tahanan ng nasabing suspek.

Sinabi ni Arguelles, upang pasimpleng maibigay sa katransaksyon, binalot ni Ado sa diaper ang droga.

Target din ng operasyon ang misis ni Ado pero nagkataong nasa supermarket ito nang mangyari ang operasyon.

Inaalam na rin ng PDEA kung may grupong kinabibilangan ang mag-asawa na napag-alamang nagbabagsak din ng droga sa Mindanao.

Itinanggi ni Ado na sa kanya ang nakuhang mahigit P3.4 milyong shabu at iginiit na nakatayo lang siya sa labas ng bahay nang biglang arestuhin ng PDEA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?