47
Mag-partner huli sa pagtutulak ng shabu sa Pasig
By

P3.4M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust sa Zamboanga

Umaabot sa P3.4-milyong piso na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek ng pinagsanib na puwersa ng Zamboanga Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa sa Zamboanga City.

Batay sa nakalap na report mula kay PDEA Region 9 director Jacqueline De Guzman, nakipag-ugnayan sila sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para isagawa ang buy-bust sa pag-aresto sa mga suspek na sina Kerwin Sulaiman, Bong Sawbin at Saddam Gulam, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Zamboanga City.

Kasalukuyang inaalam ng PDEA kung kasapi ang tatlo sa malaking sindikato na nag-ooperate sa Region 9 na kung saan ay todo tanggi sila sa mga nakumpiskang droga sa kanila na posibleng middlemen sila na may pinagkukuhanang supply ng shabu.

Naaresto ang tatlong suspek matapos makipagtransaksyon ang isang policeragent na umaktong buyer at nagkasundong magkita sa isang mall sa Barangay Putik sa Zamboanga City, Biyernes ng hapon.

Samantala, apat na katao naman ang naaresto noong Huwebes sa ikinasang buy-bust at nakuhanan ng mahigit isang kilo ng shabu sa Barangay Tugbungan.

Pinaniniwalaan na ang mga nakumpiskang droga ay class A ang kalidad at tinatayang nasa P7-M ang street value nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?