42

By

P3.4M halaga ng shabu nasabat sa bebot

Umaabot sa P3.4 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa 33-anyos na ginang na binansagang “madam” ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region sa isang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Director III Joel Plaza, regional director ng PDEA RO-NCR ang suspek na si Mary Ann Francisco, alyas “Madam”, 33, residente ng Tondo, Manila.

Ayon sa mga awtoridad, matapos ang isinagawang surveillance ay ikinasa ang buy-bust laban sa ginang sa parking lot ng Araneta Center sa Cubao, Quezon City nitong gabi ng Disyembre 8.

Nakumpiska sa suspek ang 500 gramo ng shabu nagkakahalaga ng P3,400,000; mobile phone at buy-bust money.

Tikom naman ang bibig ng ginang kung saan siya kumukuha ng mga iligal na droga na kaniyang ibinebenta.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa tanggapan ng PDEA habang inihahanda ang mga kaso niyang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?