135

Nov 9, 2017 @ 16:18
By

P2P buses, alternatibo sa MRT-3

Gagawing alternatibo sa Metro Rail Transit (MRT)-3 ang P2P (Point to Point) ordinary buses na sumailalim na sa dry run kahapon.

Sa isinagawang dry run, ganap na alas-siyete ng umaga nang umalis ang unang bus, mula sa istasyon ng North Avenue, sa Quezon City hanggang sa Ortigas na hindi na maaari pang magsakay ng pasahero at didiretso na ng Ayala.

Ang pabalik naman ay mula alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi. Sa Ayala magsasakay ng pasahero na dire-diretso na hanggang sa North Avenue.

Dadaan umano ang mga P2P buses sa yellow outer lane ng kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) na sasabayan pa ng mga traffic enforcer upang mas mabilis ang biyahe.

At dahil dry run kahapon, libre ang naging pasahe sa mga nagsisakay at sumubok sa P2P buses ngunit sa Biyernes ay may bayad na ito, P20 ang mula sa North Avenue at P25 naman ang pabalik.

Samantala, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Aileen Lizada, nasa apat na bus umano ang kasalukuyang nag-o-operate na sinisikap nilang madagdagan. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?