67

Nov 9, 2017 @ 17:46
By

P2P bus dapat padaanin sa zipper lane ng Edsa – solon

Suportado ni Quezon City Rep.. Alfred Vargas ang hakbang ng gobyerno na gamitin ang Point to Point (P2P) Bus system bilang alternatibo sa MRT tuwing rush hour.

Pero iminungkahi ni Vargas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na padaanin ang P2P bus sa zipper lane sa EDSA.

Katuwiran ng kongresista, useless kung maiipit rin sa traffic ang mga pasahero.

Paliwanag nito, nagtitiyaga ang commuters sa MRT sa kabila ng madalas na aberya dahil ito pa rin ang pinakamabilis na paraan ng transportasyon.

“Amid glitches, MRT patrons opt to ride trains because it is still the faster and more reliable means of transportation, especially if going to work,” ayon kay Vargas.

Unang inanunsyo ng LTFRB at MMDA na gagamitin ang P2P bilang alalay sa MRT.

Simula bukas (November 10), 30 P2P buses ang ilalagay sa mga istasyon ng MRT gaya ng North Edsa at Taft bilang opsyon sa commuters habang inaayos ng DOTr ang serbisyo ng tren.

Kaugnay nito’y umapela rin si Vargas sa LTFRB na tiyaking rasonable at abot-kaya ang pasahe sa P2P buses gaya ng sa MRT.

“We should not add burden to the people and our workers. Their stress to traffic and hassle of commuting should be lessened by reasonable fare,” apela ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?