59
Mag-partner huli sa pagtutulak ng shabu sa Pasig
Oct 5, 2019 @ 12:55
By

P2M halaga ng shabu kumpiskado sa Mandaue

Kulungan ang bagsak ng isang 23-anyos na lalaki matapos makuhanan ng P2-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation, Biyernes ng gabi sa Mandaue City.

Arestado ang suspek na si Rommel Llatona, residente ng Barangay Pahina Central, Cebu City matapos makuhanan ng anim na pakete ng shabu na may timbang na 300 gramo at may street value na P2-milyong piso.

Pinangunahan ng Mandaue City Intelligence Branch ang operation bandang alas-6, Biyernes ng gabi matapos makipagtransaksyon ang isang pulis sa suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaue detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?