51

May 16, 2021 @ 14:54
By

P29M lotto jackpot sinolo ng taga-Bataan

Nasungkit ng isang residente mula Abucay City, Bataan ang P29.7M jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma, natamaan ng mananaya ang 13-01-50-10-51-54 winning combination.

Kailangang magtungo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong at suwerteng nanalo para makuha ang kanyang premyo.

Samantala, dalawa naman ang nagwagi ng tig-P100,000 sa nakuhang limang numero sa kombinasyon.

279 naman ang nakahula ng apat na numero, at tatanggap ng P1,500.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?