28

Sep 9, 2021 @ 15:14
By

P28B budget sa anti-komunista kinontra ni Drilon

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang gobyerno sa pagbibigay ng prayoridad sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaysa COVID-19 vaccination drive sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program.

“Are we again saying that insurgency has become bigger and a more dangerous threat than COVID-19? That we provide certainty on its funding versus the budget for booster shots which in the unprogrammed portion of the budget,” tanong ni Drilon sa mga miyembro ng Development Budget Coordinating Committee sa pagdinig ng Senate committee on finance sa panukalang P5 trilyong national budget sa susunod na taon.

Hindi tulad ng P28 bilyong pondo ng NTF-ELCAC na bahagi ng programmed appropriation, ayon kay Drilon, ang pondo para sa booster shot ay nakalagak naman sa ilalim ng unprogrammed funds.

“Unfortunately, in this proposed budget, we see that public health is not given the priority that it deserves,” ayon kay Drilon.

Sagot naman ni Finance Secretary Carlos, “It is because at this time, the panel of experts, as well as the health authorities, have not yet determined with finality that the booster shots are proven to be necessary.”

Pinaliwanag ni Drilon ang isyu dahil ang mga health worker na nabakunahan noong Marso ay magiging vulnerable sa Covid-19 pagsapit ng Oktubre dahil ang efficacy ng bakuna ay tumatagal lamang ng anim na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?