41

P250K shabu nasabat sa sinitang 2 riders sa checkpoint

Sharing is caring!

Hinabol ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang motorcycle riders matapos tumakas nang sitahin sa checkpoint dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet sa Villa Socorro, Brgy. Bahay Toro.

Ayon sa ulat, nang makorner, nakuha sa dalawa ang isang kalibre 32 beretta pistol at pitong pakete ng shabu na tinatayang nasa P250,000 ang halaga dakong alas-10:30 ng umaga.

Dahil dito, inaresto ng mga tauhan ng Talipapa Police Station ang mga suspek na sina Emmanuel Salaza at Marvin Tiu at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?