109

Jun 21, 2020 @ 19:21

P250K reward sa hitman ni tserman

Naglaan na ng P250,000.00 reward money ang Caloocan City Local Government Unit (LGU) sa sinumang makakapagturo at makakahuli sa pagpaslang sa isang barangay chairman noong Sabado ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, malaking bagay ang pagbibigay ng reward sa killer ni PB Gally Dilao, ng Barangay 151, upang mapadali ang pag-aresto sa mga ito.

Si PB Dilao, matagal ng kaalyado sa pulitika ng pamilya-Malapitan, ay tinambangan ng tatlong lalaki na naka-mask at sakay ng tatlo ring motorsiklo sa Progreso St, Barangay 151, alas-12:45 Sabado ng madaling araw.

Tikom ang bibig ng pamilya sa mga awtoridad kaugnay sa kaso at nakiusap na hayaan muna silang magluksa.

Nabatid na nitong mga huling Linggo ay nakatanggap umano ng tawag sa cellphone at binabantaan ang tserman. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?