32
smuggled-rice
By

P250-M halaga ng smuggled rice, nasabat ng Customs

Sharing is caring!

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang malaking halaga ng high quality rice na iligal na ipinuslit sa bansa.

Nagkakahalaga ang kontrabando ng P250 million na diumano’y galing sa bansang Vietnam.

Ang bulto-bultong smuggled na bigas ay nadiskubre ng BOC sa 200 containers sa Manila International Container Port.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang pagkakasabat sa naturang mga bigas ay pinakamalaking rice shipment sa kanyang liderato.

Aniya, sa unang linggo ng Hunyo dumating sa bansa ang mga rice container na walang import permit mula sa National Food Authority.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nakatakda sanang i-deliver sa Sta. Rosa Farm Product Corporation sa Sta. Cruz, Maynila ang mga bigas.

Dahil dito, naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa Sta. Rosa Farm at kakasuhan din ang importer ng paglabag sa Section 1113 ng Customs Modernization and Traffic Act at RA 10845.

Plano namang i-auction ng BOC ang mga nasabat na bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?