12

By

P25 dagdag-sahod mararamdaman na sa Nobyembre 27

Sharing is caring!

Epektibo na ang P25 umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa National Capital Region sa parating na Nobyembre 27, ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.

Sa kanyang panayam sa Super Radyo dzBB, ipinaliwanag nito ang magiging proseso sa pag-adjust ng magiging arawang sahod ng mga empleyado.

“‘Yung adjustment na ‘yan will take effect 15 days after ng publication ng approval by the National Wages and Productivity Commission. It has to be published in a newspaper of general circulation,” saad ni Bello.

“Palagay ko sa Monday pa maaaksyunan ‘yan so 15 days after that… It will take effect on November 27,” dagdag niya pa.

Matatandaan na noong Nobyembre 25 pa tinaasan ng P25 ang sahod, na mula 512 ay magiging P537 na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?