50

Dec 14, 2018 @ 18:08
By

P25.9M jackpot ng Super Lotto, nasolo

Nasungkit ng nag-iisang mananaya ng lotto ang mahigit P25 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola kagabi (December 13).

Ayon sa Philippine Charity and Sweepstakes Office, nanalo ng P25,984,443.00 ang solo winner matapos nitong mahagip lahat ang winning combination na 31-42-22-39-33-36.

Samantala, hindi pa sinasabi ng PCSO kung saang lugar nagmula ang masuwerteng winner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?