220

May 2, 2021 @ 10:14
By

P24M kinita ng bebot sa viral meme

Sinong mag-aakala na aabot sa milyones ang halaga ng isang larawan na nag-viral sa social media?

Apat na taon pa lamang si Zoe Roth nang magpa-picture siya sa tapat ng isang nasusunog na bahay, at ngayong 21-anyos na siya, dito niya nadiskubreng limpak na pera pala ang madudulot sa kanya ng nag-viral na picture.

Binenta ni Roth at kanyang ama ang picture na naging meme bilang ‘non-fungible token’ (NFT).

Pinasubasta ang meme, kung saan umabot sa halos $500.000 o P24M ang halaga ng naturang picture.

Balak ni Roth na gamitin ang pera para bayaran ang kanyang college loan, at magbigay sa charity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?