1,005

Jan 3, 2018 @ 15:33
By

P24-M jackpot sa lotto, nadale ng Batangueno

Isang masuwerteng tumatangkilik ng Lotto mula sa Batangas City ang nanalo ng Jackpot Prize ng Lotto 6/42 na umabot sa Php24,824,813.00, Martes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander F. Balutan, ang napanalunang Self Pick ticket ay nabili ng hindi pa nakikilalang mananaya sa lotto outlet sa Pic Nā€™ Save, JPA-AMA Bldg, Kumintang Ilaya, Batangas City, Batangas.

Ang six-digit winning combination ay 17-16-19-29-04-14. Ang Lotto 6/42 is binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?