39

By

P23-M halaga ng droga, sinunog ng PDEA

Sharing is caring!

Sinilaban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga iligal na droga na umabot sa mahigit P23 milyon na kanilang nakumpiska sa Davao City.

Base sa report ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, may kabuuang 1,824.2 gramo ng shabu, 18,468.9 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, apat na piraso ng ecstacy, at mga iba’t ibang uri ng mga kumpiskadong controlled drugs na tinatayang P23,676,768.25 ang sinunog sa Barangay Ilang, Tibungco sa nasabing siyudad.

Pinangunahan nina Judge Carlos Espero II, ng RTC Branch 9; Judge Rowena Apao Adlawan, ng RTC Branch 13, ang pagsunog sa mga nasabing droga.

Ito ay sinaksihan nina Prosecutor Shahruddin Roberto Sencio Jr., Department of Justice (DOJ), Atty. Francis Calatrava, Public Attorneys Office (PAO), Atty. Elisa Evangelista Lapeňa, City Mayor’s Office, kinatawan mula sa civil society group at media partners.

“PDEA continues to regularly destroy illegal drugs right before the public, allaying any misconception that these pieces of drug and non-drug evidence are being recycled or peddled back in the streets,” dagdag ni Aquino. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?