26

Jun 22, 2020 @ 20:57

P22.7 droga, 50 suspek nalambat ng PNP

Pinuri ni Philippine National Police chief, Gen. Archie Gamboa ang Drug Enforcement Group (PDEG) at mga regional office dahil sa patuloy na operasyon nila laban sa bentahan ng iligal na droga sa bansa na nagresulta umano sa pagkakaharang sa P22.7 milyong halaga ng iligal na droga at 50 naarestong suspek simula lang noong Hunyo 15 hanggang 20.

Sa pakikipagtulungan umano sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) tinatayang aabot sa 2.6 kilo ng shabu ang nasabat sa limang araw na operasyon.

Kabilang sa mga nahuli ang dalawang drug suspek na may dalang P1.36 milyong halaga ng shabu sa Caloocan noong Hunyo 15. Pareho ring halaga ang nakuha naman sa buy-bust na ginawa sa Taclocan City noong Hunyo 19.

Nakuha rin sa 18-anyos na suspek noong Hunyo 18 ang P11.6 milyong shabu sa Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City, Negros Occidental.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?