64

Jun 21, 2020 @ 19:18

P21M facemask silat sa 2 Chinese

Dalawang Chinese ang tinimbog nang makumpiska sa mga ito ang aabot sa P21 milyong halaga ng KN 95 na face mask sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Biyernes ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ang nadakip na sina James Zhu at Charles Lee, kapwa nasa hustong gulang na dinakip sa pagbebenta ng 200 kahon ng KN 95 na face mask na naglalaman ng 1,000 face mask kada kahon at umaabot sa halagang P21 milyon.

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) ng CIDG sa AKH Construction Plant sa Lusacan, Barangay Wawa, Taguig City matapos magkasundo ang mga suspek at ang nagpanggap na poseur buyer.

Napag-alaman na ang presyo sa merkado ng KN 95 ay nasa halagang P105 pero ibinenta ito ng mga suspek sa poseur buyer ng P45 kada isa.

Gamit ang P9 na milyon boodle money ay isinagawa ang entrapment operation at nang dumating ang mga suspek at magkapalitan na ng produkto ay agad na inaresto ang mga ito. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?