13
views

By

P21-M K9 facility ng PDEA, inilunsad sa Bulacan

Sharing is caring!

Umabot sa halagang P21 milyon ang itinayong “K9 Kennel Facility” unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Lambakin, Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan, na malaki umano ang maitutulong sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.

Ang ground breaking ceremony kahapon ay dinaluhan nina PDEA Director General Aaron Aquino; San Jose Del Monte Lone District Rep. Florida Robes; San Jose del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes, at mga local government employees ng lungsod ng San Jose Del Monte.

Ayon kay Aquino, ang pasilidad ay matatagpuan sa 5,000–square meter ng ahensya na dating nang ginagamit sa training facility ng Narcotic Detection Dogs (NDDs).

Aniya, nais nilang i-rehabilitate ang nananatili nilang NDDs training facility sa pamamagitan ng pagtatayo ng ‘bathing and drying area’ para sa kanilang mga alagang aso, covered cages, covered court, extension ng staff ng K9 handlers, mga empleyado, kitchen, mess hall at quarantine building.

Iginiit pa ni Aquino na ang pagkuha ng tinatayang 100 NDDs ng PDEA ay ang pinakamalaki sa kasaysayan ng ahensiya upang sugpuin ang mga pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Nabatid na sa kasalukuyan ay aabot na sa 72 NDDs mayroon ang PDEA at 34 sa mga ito ay ginagamit ng ahensya sa anti-drug operation ng regional office sa buong bansa, habang ang 13 sa mga ito ay inilagay sa regional office sa National Capital Region (NCR) para sa Seaport Interdiction Units, Bureau of Correction, habang ang apat naman ay inihahanda para sa breeding at 21 ay para sa adaption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?