1,214

Nov 2, 2017 @ 23:19

P20M offer kay Standhardinger tinabla ng SMB

Bukod sa sinasabing P50 million na unang offer sa No. 1 pick na ikinahon ni Christian Standhardinger, may hiwalay pa raw na inihain din sa San Miguel Beer.

Hindi natigil sa P50M ang usapan, lumutang pa ang panibagong offer na P20 million sa SMB na para sa 6-foot-7 Fil-German.

Ibinigay ng Kia ang rights sa No. 1 pick sa SMB kapalit ng ilang veteran players at first-round pick sa 2019.

Ayon sa sources, hindi na pinagtagal ng SMB ang usapin. Tablado agad sa koponan ng San Miguel Corp. ang offer.

Halagang P20M para kay Standhardinger, may isasama pa raw na players sa package.

Pero hindi kinagat ng SMB, iling agad ang isinagot at hindi na umabot ang usapan sa players na isasahog sa P20M na ipapalit kay Standhardinger matuloy lang ang trade.

Ayon pa sa source, isang mataas na opisyal ng TNT ang nag-offer daw ng P20M sa isa ring mataas na opisyal ng SMB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?