169
marawi
Nov 30, 2017 @ 16:05
By

P20M inilaan sa konstruksiyon ng gusali ng PNP sa Marawi

Naglaan ng P20 milyon ang Philippine National Police (PNP) para sa konstruksiyon ng mga nasirang pasilidad ng PNP sa lungsod ng Marawi matapos ang limang buwang pakikipaggiyera sa Maute terrorist group ng tropa ng gobyerno.

Sa ulat ng PNP Engineering Service, ilalaan ang halagang ito sa konstruksiyon ng Marawi City Police Station, maging mga bakod at guard house nito.

Paglalaananan din ng pondo ang pagpapagawa ng Marawi Community Police Action Center 1 at 2, maging ang ground development ng Marawi City Police Station.

Ngunit bago tuluyang maisagawa ang konstruksiyon ng mga gusaling ito, magsasagawa ang PNP Engineering Service Bids and Awards Committee ng pre bid conference sa Disyembre 5, habang ang opening of bids ay sa Disyembre 19, 2017.

Matatandaang sa nangyaring giyera sa lungsod, ang Marawi City Police Station ang unang nasira dahil sa pag-atake ng teroristang Maute. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?