109
P20M inilaan para sa paglipol ng mga plastic sa Manila Bay
Jul 11, 2019 @ 19:18
By

P20M inilaan para sa paglipol ng mga plastic sa Manila Bay

Umaabot sa P20 milyon ang nilaang pondo ng US Embassy at Department of Environment and Natural Resources para sugpuin ang problema sa plastic sa karagatan ng Manila Bay.

Pinasalamatan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang pagkakaloob ng tulong ng US Embassy sa pamamagitan ng United States Agency for International Development para tulungan ang bansa na labanan ang polusyon ng plastic.

Ayon kay Antiporda, malaking bagay ito upang tuluyang masugpo ng bansa ang plastic pollution kasunod ang paghikayat sa mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at publiko na tumulong upang malutas ang problema sa basura.

Layunin ng naturang proyekto na mabawasan ang plastic pollution sa karagatan ng bansa gayundin ang pagpapahusay ng solid waste management.

Personal namang dinaluhan ni US Embassy in the Philippines Deputy Chief of Mission John Law ang naturang programa kasama ang Eco Waste Coalition at Mother Earth Foundation na idinaos sa Bulwagang Ninoy Aquino sa Wildlife Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?