58

Jan 17, 2019 @ 17:16
By

P20B CCTV project ng DILG, ipinarerepaso ni Recto

Ipinabubusisi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Senado ang Safe Philippines Project ng Department of Interior and Local Government o DILG dahil sa posibleng panganib sa seguridad ng bansa at sa kaligtasan ng publiko.

Sa inihain niyang Senate Resolution No. 990, sinabi ni Recto na sa ilalim ng proyektong, bibili ang DILG ng 12,000 closed circuit television (CCTV) security camera at video surveillance system na gagastusan ng P20B.

Uutangin ang nasabing halaga sa China at ang pamahalaan ng China ang nagrekumenda sa China International Telecommunication Construction Corporation (CITCC) na bibilhan ng mga camera at teknolohiya.

Magiging supplier naman umano ng kagamitan ng CITCC ang Huawei Technologies Co. Ltd.

Sinabi ni Recto sa resolusyon na, tulad ng iba pang kumpanya sa China, naakusahan ang Huawei ng hacking at pang-eespiya at na-ban na rin ito sa ilang bansa.

“Whereas, countries like the United States, Japan, Australia, and New Zealand have already banned public procurement of equipment from Huawei Technologies Co., LTD., or have blocked the latter from developing their country’s ICT infrastructure due to ‘rising security concerns’,” sabi ni Recto sa resolusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?