23

Sep 27, 2019 @ 16:54
By

P200K shabu, higit 200 pasaway swak sa crime ops sa Makati

Higit 200 indibidwal ang inaresto sa simultaneous anti-criminality enforcement operation (SACLEO) at nasa mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magdamag na operation sa Makati City.

Base sa ulat ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nasa 248 indibidwal ang kanilang naaresto matapos masangkot sa iba’t ibang paglabag sa batas sa magdamagang SACLEO operation sa lungsod.

Ayon kay Simon, 109 sa mga nahuli nila ay nakuhanan umano ng iligal na droga na umabot sa 456 pakete at nagkakahalaga nang P228,000.

Habang nasa 91 ang nahuli dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar, 34 dahil sa pagsusugal, at 14 naman ang nahuli dahil hinainan ng warrant of arrest.

Samantala, umabot naman sa 12 mga baril ang nakumpiska umano ng mga awtoridad at 48 mga armas ang kusang sinuko.

Wala namang menor de edad na nahuli sa isinagawang SACLEO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?