21
P200K reward sa suspek sa Maguindanao highway killings
By

P200K reward sa suspek sa Maguindanao highway killings

Naglaan ng P200,000 reward ang pamahalaang lokal ng Sultan Kudarat, Maguindanao para sa sinuman na makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon kaugnay sa suspek na kumitil ng buhay ng dalawa katao sa serye ng pagpatay sa Sultan Kudarat Highway.

Ayon kay Major Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat Police, naglatag ng pabuya si Mayor Shameen Mastura at ang konseho para agarang malutas ang kaso ng pagpatay sa highway.

Batay sa report, nasawi si Pat. Asrhap Mato ng Police Regional Mobile Force Battalion ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, residente ng Datu Odin Sinsuat, nang tambangan ng mga motorcycle riding in tandem noong Lunes bandang ala-una ng hapon sa Barangay Gang.

Habang nasawi naman noong Sabado ng umaga si Rocelito Balboa, 50, chief mechanic ng Sultan Kudarat-based Lamsan Trading Corporation sa Barangay Pigcalagan makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Naglaan ng P100,000 ang pamahalaan para sa makahuhuli sa mastermind at mga kasabwat sa pagpatay kay Mato habang P100,000 din ang inilaan para sa suspek sa Balboa ambush-slay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?